Pamunuan ng SPTA, sinuportahan ni kongresman

 

Nagpakilala ang bagong pamunuan ng San Pablo Parent teacher Association(SPTA) kay Congressman Loreto Amante noong nakaraang Huwebes ,Ika-22 ng Nobyembre sa kanyang tanggapan sa Fule Malvar Mansion,

Ang nasabing courtesy call ay pinangunahan ng kanilang Pangulo na si Sherwin Egamin na namumuno din sa TODA ng Sta Veronica.Kasama ang kanyang mga opisyales na sina ,Vice President: Danica Eve Camado, Secretary : Jayson Mortel, Asst. Secretary/BOD: Iris Dongoya , Treasurer: Liezel Magno at Auditor: Maria Liza Flores,  Collecting & Disbursement Officer: Jeremy Magcawas Business Manager: Bernard Quero III.

Kabilang din sa humarap ang kanilang Board of Directors na sina
Johnson Jucom, Ron Albert Enobio, Alvin Torres, Bobs Artajo Jr. 
Emmet Ecamin at Randy Cagitla.

Samantala ipinagkaloob naman ng kongresman ang suportang kailangan ng grupo sa pagbubuo ng nagkakaisa at matatag na samahan na nag nananis na maging maayos ang kalagayan ng mga studyante at ganun din ang relasyon ng mga guro at magulang.

Ayon sa grupo magiging katuwang sila ng mga guro pagdating sa pagpapabasa lalo na sa mga nag uumpisa pa lang at nasa unang baytang ng kanilang pag - aaral, sa ganitong paraan ay mapapagaan at mapapabilis ang pagkatuto ng mga esrudyante sa pag babasa.

Ang gulayan sa mga eskwelahan ay Isa ding magandang aktibidad ng nasabing grupo na makikinabang ang lahat 

Via : Lynn Domingo 



Post a Comment

Previous Post Next Post