Mainit ang naging pagtanggap kay Senator Bong Revilla ng pamunuan ng San Pablo City sa kanyang pagdating dahil sa ginawa nyang pamimigay ng tulong sa ilalim ng programang Ayuda sa Kapos Ang Kita (AKAP) program.
Kasama si Mayor Vicente Amante at Ang kanyang may bahay ba si first Lady Gem Amante at ng buong Sanggunian,Kasama si Congressman Loreto Amante na nag asikaso Kay Senator Bong Revilla na nagmula pa sa mamburaw na sa kabila ng masamang panahon ay pinilit makarating ng San Pablo para sa humigit kumulang na 2000 recipient na nag aantay sa kanya.
Nagpasalamat si Senator Bong kay Mayor Amante dahil noong taong 2004 ay nag pangalawa sya sa maraming boto na senator at noong 2010 ay nag number 1 sya at kinilala nya g naging partisipasyon ng nasabing bayan.
"Hindi ako nag papogi lang sa senado nagtrabaho tayo at nagpasa ng 1920 panukalang batas at 300 doon ay naisabatas na" aniya, Isa sa mahalgang isinulong ng senador ay Estate tax Amnesty Ng RA 11913 na napakalaking bagay lalo na sa mga anak na pinamanahan ng mga magulang na yumao na.
Si Senator Bong Revilla din ang nagtibay ng Centenarian law na isinulong ni Congressman Loreto Amante na kung saan mula sa idad Ng 80, 85, 90 at 95 may 10 libo na matatanggap sa bawat taon at Isang daan libo pa din pag dating ng 100 taon.
Ang kinilalang Ang Panday ang Agimat o si Tolome na naging bise Gobernador ng Cavite noong 1995 at naging Gobernador noong 1998 na si Senator Ramon Bong Revilla Jr. ay magpapatuloy sa pag ikot upang abutin at tulungan ang mga mga kababayan nya, na ayon sa kanya hindi sya titigil hanggang sa huling patak ng dugo.
Post a Comment