Calauan Laguna-Kitang kita ang pagmamahal ng taong bayan sa kanilang Alkalde na si Mayor Roselle Caratihan ng mag sumite sya ng Certificate of Candidacy noong October 1,2024 , kasama kanyang bise Alkalde na si Allan Dong Sanchez at buong Sanggunian isang pwersa ang grupo ng bagong Calauan team.
Inumpisahan sa isang misa na kung saan umapaw ang mga supporter nila, tulad ng ibat-ibang grupo ng mga kababaihan, Kabataan at NGO's ,gayun din ang OSCA maaga pa lang ay nakaabang na ang lahat ng pangulo ng senior ng bawat barangay sa Calauan upang ipakita ang buong suporta sa kanilang Mayor na muling tatakbo.
Samantala sinigurado ng Mayor Osel ang seguridad at kaayusan na kung saan ay naging alerto ang mga kapuslisan ng Calauan MPS.
Andun din si Charles Caratihan na sumuporta sa kanyang ama na nangako din na dadalhin sa probinsya ng Laguna ang tatak Caratihan dahil nagnanais din sya na tumakbo bilang board member.
Post a Comment