Mike Rivera Humarap sa Presscon Pagkatapos mag sumite ng Candidacy ,sa Kapitolyo ng Batangas.




Mala piesta ang bulwagan ng Provincial Capitol noong October 5 ng umaga, ibat - ibang grupo ang doon ay nag -abang sa kanya, na n may mga dalang kanya- kanyang pa ingay sa pagsalubong kay Mike Rivera na nakatakdang mag sumite ng candidacy ng araw na yun.


Kasama si Mayor Celsa na kanyang asawa at kanyang anak na si Vice Mayor Micko Rivera at iba pang kaibigan sa ginawang pag file ng kanyang kandidatura

Sa tulong ng mga kapulisan ng Batangas na nakatalaga doon ay tiniyak nila na bagamat maraming mga tao ang dumagsa ay nasa ayos ang lahat at walang naging kaguluhan at wala ding nagutom.

"Hindi ko pababayaan ang lalawigan ng Batangas" ani Mike Rivera, sa filling pa lang ay ipinadama nya ang pagiging mababa ang loob at kaibigan ng masa.

Matapos ang pagsusumite ay humarap sa mga mamamahayag at buong husay na may katapatan na sumagot sa matitinding tanong sa kanya.

Inamin din nya na marami syang pinagdaanan maraming tinimbang na mga bagay ngunit sa huli ay nagpasya pa din sya na tumakbo dahil kailangan ng Lalawigan ng pagbabago, Maiba Naman.

Sa presscon ay inulan sya ng tanong at buong kababaaang loob na sinagot nyang lahat. Kitang- kita ang kanyang pagiging malawak ang pang- unawa bilang politiko.

Ipinagmalaki din nya ang kanyang partido liberal party na kanyang kinaaaniban ,aniya naniniwala sya sa integridad nito 

Una nyang nakitang kailangan tutukan ay ang hospital, kailangan tutukan ang  pangkalusugan, Kasama na ang libreng gamot at dialysis , pangalawa ay Ang mga pagpapatayo ng eskwlahan, tulad ng ginawa nya sa Padre Garcia, palalawakin ang employment, iaangat ang torismo at magkakaroon ng maayos na insfrustracture.

Naniniwala si Mike Rivera na kailangan sya ng kanyang probinsya, lalaban sya bilang Gobernador para sa taong bayan ,MAIBA NAMAN.

Via: Lynn Domingo









Post a Comment

Previous Post Next Post