Team bagong Bae Sama- Sama nag file na.




Bay laguna-Star Studded ang COC filing ng Team Bagong Bae sa pangunguna nina Emilio Garcia (EG) at Atty. Aldrin Lincoln Panopio kasama ang iba pa nilang miyembro na sina Dr.Romeo H. Batacan, Salvador " WAWA" L. Genil Jr., Mario M. Ilagan, Arch. Danilo C. Lanceras, Allora Q..Molleda, Albert John D. Ortinez, at Edgardo  " EJAY" T. Valenzuela Jr.

Matatandaan na si Emilio Garcia ay dating seasoned film actor at kasalukuyang negosyante   at sampo taon ng naninirahan sa bayan ng Bay na ngaun ay nagpasya na tumakbo bilang Mayor dahil sa pakiusap ng taong bayan at mga kaibigan nya na kasama  sa kanyang lapian.
" Ang aming sweldo pagsasamasamahin itutulong diretso sa tao" Ito ang pangako ng team bay at unang ipupokpok sa konseho. Sa ganitong paraan lahat ay pantay pantay na mabigyan ng kanilang tulong lahat ng sector ng lipunan.

Kasama sa programa ng Team Bagong Bae ang libreng gamot, hospitalization,at dialysis, kung kayat nais nila na nagkaroon ng dialysis center at hospital ,Kasama na ang paanakan na walang babayaran ang mga tao .
Bahagi ng programa nila magkaroon ng cover court Palalakasin ang  sports,Isa ito sa kanyang tututukan.

Ang bayan ng Bay ay isang lugar na  apektdo ng high tide kung kaya ito binabaha at dahil na develop ang mga kalye lumiit na ang daluyan ng water drainage,  Nais nila na maibsan ang problema ng kanilang lugar kung kayat ngaun pa lang ay nagpaplano na ang kanilang lapian patungkol dito.


Bahagi ng pagkakaroon ng global hospital si Emilio Garcia, at iba pang establishment at patuloy nyang palalakasin ang employment ,kung maraming papasok na investor sa Bay Laguna, marami ang magkaroon ng trabaho at patuloy uunlad ang bayan maging ang mga tao na dito ay naninirahan .

Ang team Bay na nangako ng maglilingkod para sa pagbabago ay nagnanais na maging masaya at masigla ang Bay Laguna.(Lynn Domingo)







 

Post a Comment

Previous Post Next Post