1st Laguna Construction and Building Expo 2025 ,Dinaluhan ng 70 mga negosyante,


Sta Cruz Laguna- Matagumpay na isinagawa ng Sta. Cruz Chamber of Commerce and Industry, Inc. ang unang Laguna Construction and Building Expo (LACBEX) 2025 na ginanap sa Laguna Sports Complex, na sinuportahan ng Laguna Governor Sol Aragones.

Tampok sa nasabing aktibidad ang keynote address ng kilalang international urban planner na si Arch. Felino “Jun” A. Palafox, na nagbahagi ng mahahalagang pananaw tungkol sa makabagong urban planning at ang kahalagahan nito sa patuloy na pag-unlad ng Laguna. 

Kasama ang PCCI Sta Cruz na buo ang suporta sa kauna- unahang Construction Expo na sinuportahan ng ibat- ibang mga negosyante na naglagay ng kani-kanilang booth sa lugar ng pinagdausan upang mas makilala ang kanilang kompanya.

Nagpaabot din ng kanyang buong suporta si Mayor Benjo Agarao, na nagpahayag ng pasasalamat sa mga organizer, panauhin, at mga kalahok sa expo. Binanggit niya na ang naturang proyekto ay malaking hakbang tungo sa pagpapalakas ng industriya ng konstruksyon sa lalawigan. lahat ay may pagkakataon ng lumaban ng patas sa bidding dahil aniya "Walang SOP sa bayan ng Sta Cruz".

Layunin ng LACBEX 2025 na pagtibayin ang ugnayan ng mga kompanya, mamumuhunan, at propesyonal sa sektor ng konstruksyon, at lumikha ng mas maraming oportunidad para sa lokal na ekonomiya ng Laguna.

Ang katagumpayan ng Laguna Construction Building Expo 2025 ay signal ng pag angat ng industriya ng Lalawigan ng Laguna at maaring maging isang ehemplo ito sa ibang karating bayan.

Via: Lynn Domingo


Post a Comment

Previous Post Next Post