Muling pinaigting ang samahan ng San Pablo City Police Advisory Group for Transformation and Development kasama ang Technical working group ng San Pablo City Police Station sa inisyatibo ni Chief of police PLTCol Redentor G Tiraña, katuwang si PMAJ Gerry G Malipol na Chairman ng TWG ng nagkaroon sila ng pagpupulong noong ika 24- ng Octubre 2024 sa kanilang Conference Room
Ang SPCAGPTD ay isang konseho ng mga kinatawan ng pribadong sektor, tulad ng akademya, simbahan, media, youth kababaihan, Ngo ,LGU at iba pang sektor ng lipunan na katuwang ng kapulisan sa pagpapatupad ng mga programa ng PNP Peace and Security Framework at PNP PATROL Plan 2030.
Ayon sa Chairman ng grupo na si Mr. Romeo Race nais nyang mapabuti ang Advisory group ng San Pablo City na may matatag na miembro na nakahandang tumulong makiisa at may oras na handang tumugon sa mga proyekto at polisiya ng PNP alinsunod sa transparency, accountability at integrity.
Binigyan halaga naman ni COP Red Tiraña ang kahalagahan ng bawat sektor na kasapi ng SPCAGPTD na may kani kanilang function sa PNP .Taos pusong pasasalamat ang kanyang hatid sa magandang adhikain ng grupo bilang kaagapay ng kapulisan.
Naging maganda ang ginawang pagbabablik tanaw ni Mr. Marlon Wankey sa mga nakaraaang aktibidad at mga proyekto ng grupo maging ang pag evaluate sa mga miembro upang mas maging maayos at mabalanse ang lahat at magkaroon ng tiyak na lalakarang matatag na plano kasama ang mga itinalagang Technical Working Group .
Tiniyak ni Chairman Race na patuloy na magsasagawa ang grupo ng mga programa o aktibidad na magiging kapakinabangan para sa kapulisan upang mas mapaigting ang kalidad ng kanilang serbisyong ibinibigay sa tao.
Via: Lynn Domingo
Post a Comment