500 Flu Vaccine, Handog ng GOByernong may SOLusyon para sa Empleyado ng Kapitolyo



Oktubre 20, 2025 — Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, sa pangunguna ni Gobernador Sol Aragones, ang pagbibigay ng 500 libreng flu vaccine para sa mga empleyado ng Kapitolyo bilang bahagi ng adbokasiya para sa kalusugan ng mga lingkod bayan.

“Unahin muna natin kayong mga empleyado. Kayo ang kasama kong nagtatrabaho para sa ating mga kababayan, kaya kayo rin ang una kong aalagaan,” ani Gobernador Aragones na siya ring unang nabakunahan.

Ayon kay Dr. Odilon Inoncillo ng Provincial Information Office, ligtas ang bakuna at ang karaniwang reaksyon gaya ng lagnat o pananakit ng braso ay madaling malunasan gamit ang paracetamol at hot compress.

Patuloy ang GOByernong may SOLusyon sa pagbibigay-proteksyon sa mga kawani bilang pundasyon ng mahusay at tapat na serbisyo sa publiko. Sa malasakit nagsisimula ang tunay na pamumuno. 

via: Lynnn Domingo

Post a Comment

Previous Post Next Post