San Pablo City-Noong Lunes, Agosto 11, 2025, isinulong ni Congressman Loreto "Amben" S. Amante ng Ikatlong Distrito ng Laguna ang House Bill No. 3500 na may pamagat na:
"An Act Granting Monthly Honorarium, Civil Service Eligibility, and Security of Tenure to Every Barangay Nutrition Scholar (BNS), Thereby Amending Presidential Decree No. 1569 Entitled 'Strengthening the Barangay Nutrition Program by Providing for a Barangay Nutrition Scholar in Every Barangay, Providing Funds Therefor, and for Other Purposes.'"
Layunin ng panukalang batas na ito na:
✅ Magbigay ng karagdagang benepisyo sa mga Barangay Nutrition Scholar
✅ Magkaloob ng Civil Service Eligibility sa kanila
✅ Tiyakin ang kanilang seguridad sa panunungkulan
Ang hakbang na ito ay pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga BNS sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan at nutrisyon sa bawat barangay.
Samantala ipinaabot ng mga BNS ang kanilang pasasalamat sa pagkilala ng kongresman sa kanilang grupo.
Via : lynn Domingo
Post a Comment