Oh my God eto ang salitang nasabi ni Governor Sol Aragones sa harap ni Dr Odilon Inoncillo kasalukuyang OIC ng Bay Laguna Provincial Health Office, ng binisita nya ito, nakakaawang kalagayan ,lumang mga kama ,sirang electric fan improvise dextros Stand ,mainit na kwarto, maging ang water system ay matagal ng sira taon 2024 pa, maruming palikuran ,iisa at luma pa ang washing mashine na labahan ng ospital .
Labis na ikinabahala ng Gobernadora ang natuklasan nyang kalagayan ng hospital, kanyang pinaalalahanan ang mga kawani ng hospital na ang mga ganitong bagay ay inirereport. ngunit nalaman nya na matagal na pala etong nagawan ng report na isinumite sa dating administration , 
Sa kanyang pag -iikot ay napansin nya ang babagsak ng kisame, sirang mga tiles at mga luma at walang takip na basurahan, agad nyang inatasan ang kawani ng ospital na ilista ang lahat ng mga kailangan bilhin at ayusin, Maging ang usaping hazard pay ay binangit din ng gobernadora at kanya itong tututukan. Bago ito umalis ng araw na yun ay masayang nagpapicture ang sa mga pasyente at nagpamiryenda sa lahat.
Laking pasasalamat ni Dr. Odie ng kinabukasan ay may dala na si Gob Sol na 10 bagong kama, 25 na electric fan, kasama ang isang engineer na mangunguna sa pag sasa ayos ng 14 na CR at water system na matagal ng sira.. hindi na rin magtitiis sa init ang mga batang may sakit dahil pinalagyan ng ercon ang pedia ward, may mga nagpadala na din ng bagong mga wheelchair
Nagpasalamat si Doc Odie sa agarang pagtugon at pagbibigay ng solusyon sa matagal ng suliranin at kakulangan ng kanilang pagamutan sa bayan ng Bay, hiniling naman ni.Gob Sol na parating maging mabait hwag mataray sa lahat ng pasyente.
Post a Comment