Unang Araw at Panunumpa sa tungkulin ni Gob Sol Aragones tumatak sa kasaysayan ang mga Naging Kaganapan.

Tumatak na sa kasaysayan ng Laguna ang Bawal ang  Mataray sa Hospital ng Laguna  kauna-unahang Executive Order na nilagdaan ni Governor Sol Aragones sa unang araw ng kanyang pagpasok sa  Provincial office ,kasama ang mga Board Member ng Sangguniang Panlalawigan na nagbigay din ng suporta sa kanya health program noong ika -30 ng Hunyo

At noon naman ika- 2 ng Hunyo isang makasaysayang seremonya ang naganap , pormal na nanumpa sa kanyang tungkulin ang ika-19 at pangalawang babaeng gobernador sa Laguna, Marisol " Sol Aragones" 


Naging madamdamin ang panunumpa ni Gov Sol sa harapan ng kanyang kaibigan na si Congresswoman Helen Tan ng Quezon na ginanap sa Cultural Center Provincial Capitol.

Kasunod nito  pinangunahan ni Aragones ang panunumpa sa katungkulan ng mga opisyal ng lalawigan,  sa pangunguna ni Bise Gobernador Atty  JM Carait at mga bokal ng Sangguniang Panglalawigan

Nang araw ding yun inilunsad ang Mobile botika ng bayan na napanood ng lahat via  live streaming kung saan nagbigay sila ng libreng kunsulta at maintenance na gamot sa Canlalay Biñan City, Brgy Real Calamba City, San Pablo Central School Gymnasium at Brgy Bubukal Sta Cruz Laguna.kasabay din ng mapping ng pagtatayuan ng botika ni gob Sol iinaasahang na matatapos sa buwan Setyembre.

Bukod sa serbisyong medikal ay natulungan din ng gobernadora ang bawat bayan na maipakilala ang kanilang mga produktong kakanin ,nagkaroon sila ng booth sa paligid ng Cultural Center upang matikman ng lahat ang kanilang ipinagmamalaking mga delicacies,tulad ng kutyinta, sinukmani, ibat- ibang klase ng suman, bibingka at puto, bahagi ng pagtulong nya sa food industry ng bawat lugar sa kanyang nasasakupan.

 Sa kanyang talumpati sinigurado ni Gob Sol naiikot at mapapakinabangan ng taong bayan ang tax ng laguna ,tututukuhan ang pangkalusugan, edukasyon at social services, pagpapaunlad ng torismo at pagpapayabong ng agrikultura sa buong lalawigan ng Laguna.

Pagkatapos ng kaganapan ay walang nagutom nagkaroon ng pagkakataon na magsalo- salo ang lahat bilang isang pamilya at pagkatapos ay isang konsierto ang napanood ng gabi ding yun handog ni Governor Sol Aragones para sa lahat

Via: Lynn Domingo

Post a Comment

Previous Post Next Post