18th Innagaural Session, Dinaluhan ni Congresman Amben Amante



San Pablo City-Araw ng Martes unang araw ng Hulyo pormal ng binuksan ang ika-18  Sanggunian ng Lungsod ng San Pablo o inaugural session, Isang makasaysayang simula sa larangan ng Lehislatura ng lungsod .

Bago pa man magsimula ay naging makabuluhan na ,pagbabatian ng mga bagong halal at datihan na, kasama din ang kanilang  pamilya, at importanteng mga tao na sasaksi sa araw na yun lalo na ng dumating ang ama ng Ikatlong Distrito ng Laguna, na si Congresman Loreto S. Amante.

Kasama ni DILG Secretary Gina Barrientos ,si Congressman Loreto Amante na dumalo bilang kinatawan ng ika- distrito ng Laguna kasama si Board Member Bokal Angelica Jones Alarva.

Binubuo ang Sangguniang Panglunsod sa pamumuno at pangalawang ama Justin Colago kasama ang mga mambabatas na sina Kgg. Carmela Acebedo, Kgg. Barbie Diaz ,Kgg. Gel Adriano ,Kgg. John Edgar Adajar, Kgg. Leonardo Villanueva, Kgg. Syra Medina, Kgg. Richard Pavico, Kgg. Lou Vincent Amante,Kgg. Cesarito Ticzon, Kgg. Francis A. Calatraba ,Kgg. ABC Ariston Amante , at Kgg. SK Pres. Eldrich Khristoffer Villanueva.

Binigyan din plake ng parangal si dating City Counsilor Angie Yang ,pagkilala sa kanyang kahusayan at mga nagawa bilang mambabatas ng lunsod sa loob ng dalawang termino.

Nagpahayag ang bawat isang konsehal ng kani- kanilang layunin at magandang adhikain na gagawin kasabay ng pagpapahayag ng pagpapasakop, pakikipagtulungan at pagkilala sa bagong Mayor na si Najie Gapangada at patuloy na pagmamahal sa 33 taon naging ama ng lunsod Former Mayor Vicente  Amante( Lynn Domingo)

Post a Comment

Previous Post Next Post