Noong Hulyo 2025, Pagkatapos ng bagyong Crising sumunod ang Tropical Depression Dante, na kalaunan ay lumakas bilang Typhoon Dante, kasabay ng malakas na habagat. Ang sama‑samang epekto ng Crising (Wipha), Dante, at Emong (Co‑may) ay nagdulot ng malawakang pinsala sa Laguna at sa iba pang parti ng Luzon at Visayas .
Naitala ang anim na official fatalities mula sa bagyo at intensified monsoon rains ayon sa NDRRMC; kabilang rito ang Northern Mindanao, Caraga, Mimaropa, at Davao Region .
Humigit sa 1.26 milyong tao (~362,465 pamilya) ang apektado ng pagbaha, landslides, at displacements sa 17 rehiyon .
413 milyong ₱ ang naitala bilang infrastructure damage, at humigit 54 milyong ₱ ang pinsalang agrikultural, partikular sa Mimaropa, Ilocos Region, at Western Visayas
.
Hindi rin nakaligtas sa landslides at pagbaha, kung saan mahigit 348 na bahay ang ganap na nasira at 1,153 ang bahagyang nasira .
Ngunit lahat ng mga opisyal ng gobyerno ay kumilos mula sa barangay hanggang sa Provincial lalo na sa parte ng Laguna .
Hindi nagpabaya ang si Governor Sol Aragones May mga programa at budget na inilaan sa mga nasanlanta, lalo na at natala na ang lugar ng State of Calamity , Pinuntahan nya ang mga bayan na apektado at binaha at tinulungan katuwang ang DSWD at mga opisyal ng bawat bayan na kanyang binibisita upang ihatid ang pangunahing mga pangangailangan.
Namahagi si Aragones ng food pack, almusal ,tanghalian sa ibat- ibang bahagi sa Laguna, Gardenia bread tubig, gamot sa mga apektadong residente sa laguna.
Bukod sa Gardenia ay nagpadala na din ang Pampangas Best ng mga produkto nila upang kay Gob Sol upang maging kabahagi ng gobernadora sa pagtulong sa lalawigan ng Laguna.
Patuloy din ang pagbibigay ng anusyo ni Gob Sol sa kanyang page mga update ng kalagayan ng panahon, maagang anusyo ng kung ma klase o wala upang laging maging handa at ligtas ang lahat.
Via Lynn Domingo
Post a Comment