Blessing ng Multi Porpose Hall sa Bagong Bayan Pinahalagahan ni Congressman Loreto Amante



Kitang kita ang katagumpayan ng samahan ng mga senior citizen sa Bagong Bayan San Pablo City na pinamunuan ng kanilang pangulo na si Efren Boy Reyes ,dahil sa wakas ay pinasinayaan na ang 2 million na gusali total renovation na sadyang nakalaan para sa kanila noong ika-18 ng Hulyo 2025

Naging Panauhing pandangal si Congresman Loreto "Amben" Amante kasama ang mga konsehal ng Bayan na sina,  Hon.Francis Calatraba,  Hon.Carmela Acebedo, Hon. Gel Adriano,  Hon.Ambo Amante, Hon Ding Villanueva at Hon. Barbie Diaz na naging saksi din sa panunumpa ng mga opisyales ng samahan ng senior.

Sa talumpati ni Cong. Amben ay muli nyang isusulong ang pagaamyenda sa 
Centenarian Act na magpapababa sa edad na 70 at 75 para makatanggap ng cash gift. " Naniniwala ako na ang mga senior citizen ay dapat kalingain, alagaan at bigyan ng nararapat na pagkilala" dagdag pa nya.

Sumaksi din ang official ng Department of Public Works(DPWH) na nagsilbing katuwang sa pagpapatayo ng pasilidad na nagkakahalaga ng 2 million piso. Nagsuporta din sa kaganapan ang may ari ng kilalang Ben's Halo halo na si Ben Pasco kasama sina Jim Corcolon at Ginang Edith Regala, bahagi din ng programa ang sikat na mangaawit si Boboy Gracela na umaliw sa mga lolo at lola pamamagitan ng kanyang awit katuwang si Ronnie Mirasol


Matatandaan na ang nasabing gusali ay na aprobahan isang taon na ang nakakaraan ayon sa kahilingin ni Reyes, ng sila ay nagsadya sa tanggapan ni Congressman Amben , at walang kagatol gatol na aprove without thinking ang sagot sa kanila na labis naman ipinagpapasalamat ng buong Senior Citizen Affair ng Brgy 1-C dahil malaking tulong ito sa kanila. Pinangunahan naman ni Pastor Rico Albaño ang pagbabasbas sa nasabing gusali.

Labis ang pasasalamat ni kapitan Robbie Narvaja ,hindi lamang dahil sa renovation ng building na ipinagkaloob sa kanila ng kongresman kundi pati na din sa aprobadong pagpapa ayos ng kanilang covered court,  gayun na din ang pagsasagawa ng opisina ng kanilang SK 
Via: Lynn Domingo

Post a Comment

Previous Post Next Post