Nagwagi na ang dating kongresista na si Sol Aragones matapos ang mainit na laban sa pagitan nina Vice Governor Karen Agapay ,Congresman Dan Fernadez at at pinakamahigpit na katunggali na si Congresswoman Ruth Hernadez , asawa ng dating gobernador na si Ramil Hernadez
Matatandaan na si Governor Sol Aragones ay dating media na tumututok sa isyong pangkalusugan, ngayon ganap na syang Ina ng Lalawigan ay tutukan nya ang isyong ito at aayusin ang mga hospital sa laguna mula sa mga empleyadong matataray hanggang mga serbisyong kumpleto upang hindi na dumayo pa sa ibang bayan ang mga nagpapagamot.
Nanalo naman bilang Vice Governor si JM Carait na bagamat hindi sila magkapartido ay nagpahayag ng pagsuporta sa anu mang magiging programa ng gobernador.
Ayon kay Gob Sol tapos na ang magkakaibang kulay at magkalaban na partido , ang halalan ay isang araw lang , oras na upang tuparin ang mga naipangako para sa kapakanan ng mamamayan ng Laguna.
Via: Lynn Domingo
Post a Comment