Sa Ika Pitong Anibersaryo ng Lagunanay ipinamahgi 4M halaga ng Pangkabuhayan



San Pedro Laguna- Sabay ng Pagdiriwang ng International Womens Month,  ginanap ang ika- pitong  anibersaryo ng Lagunanay sa Pacita Astrodome noong ika -10 ng Marso na pinangunahan ni First District RepresentativeCongreswoman Ann Matibag kasama ang buong team ng' Atin ang Magandang Bukas'.

Sumuporta sa nasabing programa ang buong Team ng Atin ang Magandang Bukas na sina BM Lon-Lon Ambayec, BM Atty. Jeamie Salvatierra, Kon. Julian Ventura, Kon. Iryne Vierneza, Kon. Dodiee Recto, Kon. Omie Marcelo, Kon.Gilbert Malabanan, Kon. Gius Castasus, Kon. Atty. Roy Huecas, Kon. MM Ambayec, Kon. Marion Acierto, Kon. Abam Cataquiz na magiging katuwang ni Congw. Ann Matibag sa pagpapatuloy ng isang maayos, maunlad at magandang bukas para sa mga San Pedronian.

30,000 Worth ng Asenso Mobile Business Negocarts ang  ipinamahagi sa kanilang mga benepisyaryo na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng mahigit 4 Million Pesos sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa DSWD.

Gayundin, 200 Beneficiaries ang magkakaroon ng training sa Massage/Hilot Program at Bread & Pastry Program sa pamamagitan ng ating pakikipagugnayan sa TESDA.

Bantog ang kongreswoman sa kanyang 'ABAKADA' program ito ay ang AYUDA,BAKUNA,KABUHAYAN at DIREKSYON na ang layunin ay matugunan ang pangangailangan ng kanyang mga kababayan sa San Pedro.

Ipinangako ni Cong Ann na mas marami pang proyekto at inisyatibo ang nakatakdang ipatupad para sa mga kababaihan sa tulong ni MAMBA Atty Melvin Matibag( Lynn Domingo)

Post a Comment

Previous Post Next Post