San Jose Batangas-Sa isang Presscon iginiit ni " Kuya Kap" Walter Ozaeta na nais nya na maging prioridad sa lalawigan ng Batangas ang libreng edukasyon sa lahat ng antas at libreng pagpapagamot at medisina na pang maintenance katulad ng ginagawang pagpapatupad ni Governor Jun Tamayo ng South Cotabato.
Sa ngayon ang Gubernatorial candidate na si Walter Ozaeta ay nakaposisyon bilang Punong Barangay ng Pablacion 4 ng San Jose, Batangas. Sa kanyang panunungkulan ginawa niyang maging ehemplo ang kaniyang barangay sa plataporma na nais nya. Dahil sa nakikita niya na halos iisa ang pattern ng pangangailang ng mamamayan ng Batangas naisip niyang lumaban bilang Gobernador ng lalawigan upang palawakin sa buong Batangas ang tatlong prioridad niyang programa kasama na dito ang libreng ataol .
Si Ozaeta ay kilala sa pagiging " hands - on" at malapit sa masa, at nakikinig sa mga pangangailangan at daing ng mga tao at nag aalok ng tunay na solusyon para sa maunlad na Batangas.
Sya man ay galing sa mahirap at dama nya ang komunidad wala man syang maraming pera nais niyang maisulong ang kanyang adbokasiya.( Lynn Domingo)
Post a Comment