Naging malaking bahagi ng nakaraang 30th Cocofestival si City Admin Larry Amante na naglaan ng oras sa isang linggong programa na ginanap mula Enero 9- 15 bilang pagdiriwang ng kapyestahan ng Lunsod ng San Pablo
Mula sa opening salvo na dinaluhan ng lahat ng mga miembro ng MSME at mga negosyante ng San Pablo ay makikita ang nag isang Kuya ng Bayan na si City Admin Larry Amante bilang pag suporta sa kanyang ama na si Mayor Vicente Amante at pag ganap sa kanyang tungkulin bilang administration ng lunsod.
Makikita din ang kanyang kasipagan na bukod sa araw- araw na pag pasok nito sa kanyang opisina upang harapin ang mga pumupunta sa kanya at humihingi ng tulong ,ay may inilalaan din sayang oras sa mga imbitasyon ng ibat-ibang institusyon ng gobyerno.
Pabortito din sya ng mga tao kung kaya tinagurian syang "Kuya ng Bayan" dahil tunay naman na isang simple tao na madali lapitan at kausapin tulad ng isang Kuya na nakahandang makinig sa kwento ng bawat isa na sa kanya ay pumupunta.
Maging ang mga simpleng manininda ,sya ay kilala nakangiti kahit saan sya makita babatiin ka,walang halong pagkukunwari bating mula sa puso talaga.
Mapalad ang mga tao na taga San Pablo na may mga nagmamahal tulad ni Larry Amante mula sa gabay ng kanyang ama na si Mayor Vicente Amante at kapatid na si Congressman Loreto Amante tulong tulong sila para sa mamamayan ng Lunsod ng San Pablo.
Via :Lynn Domingo
Post a Comment