Hindi na malilimutang sa kasaysayan ng Cocofestival ang ginawang handog para sa San Pableño ang naging programa ng Congressman night na tiniyak ni Cong Loreto "Amben" Amante na masisiyahan ang lahat.
Sumuporta si Mayor Vicente Amante ,at City Admin Larry Amante Kasama ang lahat ng mga konsehal ng Bayan ,andun din si Kapitana Madette Amante na full support sa kanyang asawa na si Idol, Congressman Loreto “Amben” S. Amante noong Martes, Enero 14, 2025, bisperas ng ika-30 anibersaryo ng Coco Festival na taon- taon ipinagdiriwang sa Lungsod ng San Pablo.
Handog ni Cong. Amante ang mga mang aawit na sila Ely Buendia, former lead vocalist ng bandang Eraserheads, Bugoy Drilon, Daryl Ong, at mga artista na mula sa GMA 7 na sina Arra Agustin, Sanya Lopez at Jack Roberto. Tampok din ang mga performers na Waltz band, D’Kings Erwin Ciar, ang bandang Soul Groove at ang On Cue Dance Company.
Maging ang Vice Mayor ng Lunsod na siJustin Colago, ay kitang-kita ang buong suporta kasama ang Laguna SK Federation President Bhenj Felismino, Former Laguna SK Federation President Yancy Amante, Konsehal Charles Caratihan ng Calauan, ABC President Ariston Amante at ABC Vice President Benjamin Felismino II.
Talaga namang inabangan ng lahat ang fireworks display na nagpapatunay na mas binigyan kulay at mas pinabongga ang ika-30th anniversary ng Cocofestival na dinadayo ng maging mga karatig
Ipinaabot ng Cong Amben ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga tao na sumuporta at naging bahagi ng kanyang event ng gabi g Yun lalo na sa local Government Unit
Via: Lynn Domingo
Post a Comment