Top News

2 SEA AMBULANCE IPINAMAHAGI NG PROVINCIAL GOVERNMENT OF QUEZON SA DALAWANG ISLAND MUNICIPALITY



Personal nang naiturn-over ni Quezon Governor Doktora Helen Tan ang dalawang de-kalidad na brand new Sea Ambulance sa Jomalig Island at Bayan ng Patnanungan kasabay ang blessings nito na tinanggap nina Mayor Claire Larita at Mayor Nelmar Sarmiento kasama si Vice Mayor Reynaldo Añonuevo at mga konsehal ng Bayan na ginanap sa Real Port sa Barangay Ungos, Real, Quezon nitong araw ng miyerkules, January 15, 2025. 

Ang proyektong ito ay naglalayong magbigay ng mabilis na transportasyon ng mga pasyente mula sa mga isla patungo sa mainland ng Northern Quezon sa panahon ng mga medikal na emergency. 

Bago ito itinurn-over ay mismong si Governor Tan ay personal na sumakay sa Sea Ambulance para malaman ang bilis nito at matiyak ang kaligtasan ng mga pasyente na dadalhin mula sa isla papunta sa mainland area. 

Ikinatuwa naman ni Mayor Sarmiento at Mayor Larita dahil malaking tulong ito sa kanilang mga kababayan dahil first time sa kanilang bayan na binigyan sila ng malaking halaga pagdating sa pang kalusugan. 

Ayon kay Governor Tan, malaking matitipid na oras nito mula sa apat at limang oras ang byahe ay magiging isang oras at kalahati na lamang kaya't mas mabilis na makarating sa mga pagamutan ang mga pasyenteng medyo hirap na ang sitwasyon. 

Dumalo rin sina Real Mayor Bing Diestro-Aquino, Vice Mayor Doyle Joel Marquita Diestro, Infanta Vice Mayor L.A. RUANTO at mga konsehal ng bayan na sumaksi sa naturang turn-over at blessings.

Kasabay nito, patuloy ang kalinga ng Kapitolyo sa mga estudyanteng kapos  ang pambaon kaya't isinagawa ang educational Assistance ganun din ang mga pangkabuhayan katulad na lamang ng "Kalinga sa Mamamayan Tulong Pangkabuhayan Trabaho at Negosyo Program" ng STAN Kabuhayan Livelihood Kits Distribution Batch 3 na ginanap sa Northern Quezon Auditorium, Infanta, Quezon. 

Layunin ng Pamahalaang Panlalawigan na maibalik ang buwis ng mga may negosyong Sari-Sari Store sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga pangangailangan sa kabuhayan. 

Pinangunahan ni Quezon Governor Doktora Helen Tan katuwang si PLGU Quezon Project Development Officer III Lawrence Joseph Velasco, na naipamahagi sa 225 na benepisyaryo na nagmula sa bayan ng General Nakar, Infanta at Real ang mga; 5000 worth of negosyo kits, free Stan Kabuhayan Signage,MAYA QR Sintra Board, at Gcash QR Sintra Board.

Kasama ring nagbigay ng kaalam sa mga Sari-Sari Store Owner sina Negosyo Center Business Councilor Marian Marie Adornado, Sr. Research Specialist Shanise Geri D. Villanueva, Customer Development Managet Smart Andy Dipon, Territory Solution Lead Maya Ken Mendoza, at Bank Officer IV Oliver Wendell Paderez upang talakayin ang mga Entrepreneurial Mindsetting, Briefing on First Polymer Piso Banknote Series, Smart and Maya Services at Digitalization Seminar para sa mas pinadaling pamamaraan ng pagbabayad at mataas na kita ng negosyo. 
 
Samantala, tuloy-tuloy ang mga programa ni Governor Tan para sa ikauunlad at sa pagtaas ng antas ng kabuhayan at kakayahan ng mga Quezonian.
Via: JR Narit of Ronda Balita Probinsya

Post a Comment

Previous Post Next Post