San Pablo City- Isang malaking karangalan sa mapili ng JCI na sa aming barangay ilagay ang kauna-unahang Project Watch marker" ito ang pahayag ni Chairman Dandi Medina ng Brgy San Francisco sa ginanap na Unveiling of JCI Project Watch Marker noong Ika -10 ng Disyembre, 2024 sa kahilingin ni JCI Sen. Chairman Bokal Angelica Jones Alarva na may akda ng naturang proyekto.
Kasama ang mga opisyales ng JCI Senate Philippines Project Watch na sina JCI Sen National President, Eduardo Echem, JCI Executive National President, Herbert Tang at JCI Sen. Chairman Emeritus, Cesar Ochoa sa pakikipagtulungan ng DPWH Sec Bonoan at Usec Robert Bernardo, ay matagumpay na naisakatuparan ang makabuluhang proyektong ito.
Ipinaabot ni JCI Sen, National Chairman Angelica Jones Alarva ang kanyang taos pusong pasasalamat sa lahat ng tao sumuporta sa kanyang matagumpay na project kabilang na si Mayora Gem Castillo Amante at Mayor Vicente Amante, gayun din si Congressman Loreto Amante at City Admin Larry Amante.
Sa kanilang theme na 'We Advocate the consciousness and honestly ',ay nagtuturo sa mga kabataan,lalo sa mga eskwelahan na maging punctual sa lahat ng oras, Isang klase ng pagrespeto sa bawat isa at katapatan .
Ayon Kay JCI Sen .Chairman Angelica Jones Alarva magpapatuloy ang malawakang paglalagay ng mga marker sa ibat- ibang dako ng Pilipinas sa susunod na taon
Via: Lynn Domingo
Post a Comment