Top News

AYUDA para sa Buhay na Bayani ng Pandemya Ipinagkaloob sa Ikatlong Distrito ng Laguna



Patuloy ang pgbibigay ng tulong ng tulong para sa mga Brgy Public Safety Officer ng ikatlong Distrito ng ng pamunuan ni Congressman Loreto Amante sa pamamagitan ng AKAP Program o Ayuda Para sa Kapos ang Kita na pinondohan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Umabot sa 954 ang BPSO mula SA Liliw, Nagcarlan ,at Rizal na pumunta sa San Pablo City Central Gymnasium ang nakatanggap ng Ayuda noong  ika- 11 ng Octubre ,katuwang ang DSWD sa pangunguna ni Ma'am Erica Agcanas.

Ito ay bahagi pa din ng pangako ni Cong. Amben na unahin nya bigyan ng ayuda ang mga naging buhay bayani noong panahon ng pandemya tulad ng mga BPSO, BNS, BHW , solo parent at daycare worker. 

Ibinalita din  ng Congressman ang kanyang isinulong na batas na Centenarians law ay pumasa na kongreso . pagdating ng 80 ,85,90 at 95  idad ng senior ay matatanggap sila ng sampo libong piso(10,php) at kapag umabot ng 100 taon ay buo pa din matatangap ang isang daang libo piso.

Mayaman o mahirap member man ng 4Ps o hindi ay pantay pantay ang matatangap na buwanang 1000 libong piso ayuda ng gobyerno para sa senior citizen sa buong Pilipinas.

Ayon kay Amben Amante hindi sya humihinto sa pag iisip ng mga programa upang maiangat ang antas ng kabuhayan sa ikatlong distrito, patuloy din ang kanyang mga medical mission at libreng gamot sa ibat -ibang bayan sa ikatlong distrito ng Laguna.

Ang regular na people day sa San Pablo City, Nagcarlan at Calauan ay nagpapatuloy na kung saan ay may nakalaan syang panahon para sa mga tao na lumalapit sa kanya na may ibat -ibang pangangailangan grupo man o indibidual.
Via: Lynn Domingo 


Post a Comment

Previous Post Next Post