Santa Cruz, Laguna — Nagliwanag ang Pasko sa Kabisera


Santa Cruz, Laguna — Pormal nang sinimulan ng lokal na pamahalaan ang selebrasyon ng kapaskuhan matapos idaos kagabi, Disyembre 1, 2025, ang unang Christmas lighting ceremony sa plaza ng bayan. Pinangunahan ito ni Mayor Benjo Agarao, kasama ang daan-daang mamamayan na sabik masaksihan ang bagong tradisyong pampasko ng Santa Cruz.

Umangat ang sigla ng gabi sa iba’t ibang palaro, pagtatanghal, at masayang pagtitipon ng komunidad. Naging tampok din ang mensahe ni Mayor Benjo, na nagbigay-diin sa pag-asa at pagsisimula ng panibagong yugto para sa bayan. “Sa kabila ng mga hamon, nawa’y magsilbing ilaw itong ating Christmas display upang maghatid ng panibagong sigla at saya sa bawat pamilya,” aniya.

Dumalo rin sa programa sina Vice Mayor Laarni Malibiran, Board Member Jam Agarao, mga konsehal, SK Federation, at iba pang opisyal ng bayan. Ibinahagi ni Jam Agarao ang kanyang pasasalamat sa mainit na suporta ng mga taga-Santa Cruz, lalo na sa mga programang nakatuon sa pagtulong sa mga naapektuhan ng nagdaang mga pagbaha.

Hindi rin nagpahuli si Laguna Governor Sol Aragones, na nagpahayag ng kanyang paghanga sa mga inisyatibong ginagawa ng lokal na pamahalaan. Pinuri niya ang pagsisikap ng Santa Cruz na masolusyunan ang kinakaharap na suliranin ng lalawigan. “Ang gusto natin ay pamahalaang nagbibigay ng tunay na SOLusyon,” pahayag ng gobernador.

mo

Samantala, naging atraksiyon ang makukulay na dekorasyon ng plaza, na pinuntahan ng mga pamilya at kabataan para magkuha ng larawan at damhin ang diwa ng Pasko. Marami ang napaalala sa pagdalaw ni Mayor Benjo sa mga komunidad at sa pamimigay ng pamasko — isa sa mga programang tumatak sa mga residente.

Ang matagumpay na Christmas lighting ay nagsilbing panimula ng mas masayang kapaskuhan at patunay ng diwa ng pagkakaisa at katatagan sa puso ng kabisera ng Laguna.

Post a Comment

Previous Post Next Post