340,000.00 Halaga ng Hinihinalang shabu nakumpiska sa, High Value Individuals sa Laguna.



Camp BGen Paciano Rizal – Umabot ng halagang Php.340,00.00  ng hinihinalang shabu ang nakumpiska  sa pag-iingat ng naarestong High Value Individuals (HVI) sa joint buy-bust operation ng Laguna PPO Provincial Drug Enforcement Unit at San Pablo Pulis noon ika-31 ng  Marso 2025. 

Kinilala ni Laguna Police Provincial Director PCOL RICARDO I DALMACIA ang suspek na si alyas Arnold, residente ng San Pablo City, Laguna 

Ayon sa ulat ng Laguna Provincial Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni PMAJ JOSE PACIFICO C GONZALES, Chief ng PDEU nagkasa sila ng joint buy-bust operation kasama ang mga operatiba ng San Pablo CCPS dakong 7:35 ng gabi, Marso 31, 2025 sa Brgy. San Gabriel, San Pablo City, Laguna na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa pulis na nagpanggap bilang poseur buyer kapalit ang marked money. 

Makaraang masakote ang suspek ay nakumpiska sa kanyang posisyon ang isang (1) piraso ng small heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang Shabu; isang (1) piraso ng medium transparent plastic na naglalaman din ng hinihinalang Shabu na may kabuoang timbang na humigit kumulang sa 50 grams at may Standard Drug Price (SDP) na tinatayang aabot sa PhP 340,000.00; isang (1) Php. 1,000 piso na ginamit bilang (Buy-bust Money); dalawang (2) One Hundred Peso Bill na pinaghihinalaang drug money. 
Kasalukuyang nakapiit na Ngayon sa  San Pablo CCPS ang mga arestadong suspek habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa isasampang kaso laban sa mga ito na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. 

Ang pagkakadakip sa mga suspek na ito at pagkaka-kumpiska ng malaking halaga ng iligal na droga ay bunga ng kampanya ng PNP na palakasin ang mga Anti-Illegal Drugs Operation habang papalapit ang Eleksyon 2025. Ito ay isang paraan din ng Laguna PNP upang proteksyunan ang ating mga Kabataan sa masamang dulot ng iligal na droga.” Pahayag ni PD DALMACIA.(LPPO-PIO/Kevin Pamatmat)

Post a Comment

Previous Post Next Post