San Pedro City-Naging makabuluhan at masayang araw ng lunes para sa mga kapitan ng San Pedro noong ika-10 ng Pebrero ,2025 sa Session hall ng kanilang City hall kung saan ginanap ang botohan para sa pwesto ng ABC President.
Sa Sama-samang Pagsisikap, Tungo sa Kaunlaran ng San Pedro!Mayorya ng kanilang bayan, mga Punong barangay, sumuportado sa pagkuha muli ng posisyon bilang ABC President, kay Kapitan Eugenio Ynion sa pamamagitan ng plebesitong naganap.
Sa pamamagitan ng tulong at pag alalay ni MAMBA Atty Melvin Matibag ay nagkaroon na ng katarungan ang nangyari kay Ynion kasama ang 2 kagawad na pormal ng umupo sa konseho .
"Ang inyong lingkod ay nangangako na makikipagtulungan sa ating paglilingkod upang mabigyan ng sapat na serbisyo ang mga nasasakupan.Asahan po ninyo aking ibibigay ang buong husay at maayos ang pamumuno bilang ABC na kinatawan ng samahan ng mga kapitan" Ani Kapitan Jun Ynion.
Nagpasalamat din sya sa mga 14 Kapitan Del Barrio, na nanindigan sa kanya ito ay sina Jr.,Hon. Romeo Bonoan, Hon. Rodolfo Dimaunahan, Hon. Vioquelin Pascual, Hon. Samuel Rivera, Hon. Mario Pastidio, Hon. Bernabe Baldomar, Hon.Ernesto Doncillo, Hon. Roberto Ordan,Hon. Larry Edward Licmo, Hon. Rhexter S. Labay, Hon. Restituto Hernandez, Hon.Reinelin Talaga, Hon. Edwin Matunog, na mga nangako na patuloy na pangangalagaan ang sinumpaang tungkulin para sa Pamayanan.
Nangako din si ABC President Eugenio Ynion na katulad ng kanyang nakagawian na hindi sya kukuha ng sweldo bagkus itutulong nya ito sa mga pangangailangan ng mga taga San Pedro.
Samantala ipinakita ni Congressman Ann Matibag ang kanyang pasaludo at pag suporta sa itinalagang muli na Pangulo ng mga kapitan na si Ynion ,dahil naniniwala sya sa dedikasyon at malasakit nito sa mga Taga San Pedro.(Lynn Domingo)
Post a Comment