Bilang pagdiriwang ng National Bible Month 2025, ay nasama-sama ang mga pastor ng ibat- ibang churches na miembro ng San Pablo Pastors Association sa pangunguna ng kanilang Chairman na si Pastor Rico Albaño at Quiz Master Pastor Nilo Busier na kung saan ay nag karoon ng Inter- School, at inter Church Bible Quiz ,
Nagkaroon din ng bible giving at sama samang pag aawitan at pagpupuri ang ibat- ibang churches na nagmistulang isang masayang pamilya sa gitna ng Atrium ng Sm San Pablo.
Nakiisa at nag share ng kanyang sarili testimony ang dating Bokal na ngaun ay muling magbabalik na si Angelica Jones Alarva,binigyan diin nya ang kahalagahan ng pagtitiwala sa Panginoon, dumating din si Vice Governor Karen Agapay na nagpakita ng suporta sa nasabing grupo.Kaagapay ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ni Hon Carmela Acebedo Kasama si Egay Collado na nagsilbing kinatawan ni Vice Mayor Justin Colago
Nanalo ang Touch Christian Fellowship bilang 1st Runner up sa Bible Quiz at Prudencia Elementary School, sponsored ng San Pablo Pastors Association(SPPA) na bahagi ng kanilang programa sa selebrasyon ng National Bible Month.
Ang National Bible Month ay ipinagdiriwang taon taon upang hikayatin na magbasa ng bibliya ang lahat ng tao at kilalanin si Jesu- Kristo bilang tagapagligtas at tanging susi Ng Pag Asa
Via Lynn Domingo
Post a Comment