PASKONG PAILAW SA TIAONG, QUEZON DINAGSA!



Dinagsa ng libu-libong mga taga-Tiaong ang sumaksi sa makabuluhang pailaw kagabi na may temang Mea Nanaig ang Pag-ibig Ngayong Pasko na ginanap sa harapan ng kanilang munisipyo noong ika-6 ng Disyembre, 2024. 

Pinangunahan ni Mayor Vincent RJ Mea kasama si Vice Mayor Dick Umali at ang buong Sangguniang Bayan members ganun din ang mga nakiisa ang grupo ng PWD, Senior Citizen, mga kapitan ng bawat barangay at mga kababaihan. Naging panauhin pandangal si Ginang Rosalie Escudero na siyang may ari ng kilalang pasyalan sa nasabing Bayan ang matanyag na Villa Escudero. 

Sa mensahe ni Mayor RJ Vincent Mea, binigyan diin nya ang pagmamahal at pasasalamat sa lahat ng dumalo lalo na sa mga taga Tiaong na naging dahilan bakit sya walang kalaban sa darating na Halalan 2025. 

"Mahal na Mahal ko po kayo ngayong araw na ito walang uuwi ng hindi nakangiti"ani Mea.

Kasunod ng pagliliwanag ng buong bulwagan kasabay ng fireworks display na nagsisimbolo ng magandang Pasko sa bayan ng Tiaong, Quezon.

Agaw pansin din ang mga ginagamit na materials ng pailaw ay hango mula sa mga recycled materials na best effort ng mga empleyado ng munisipyo na ibinida ng alkalde.

Tuwang-tuwa naman ang mga sumaksi at namasyal sa lugar dahil napapanatili nito ang diwa ng kapaskuhan bukod sa mga nagagandahang Paskong pailaw ay nagkaroon din pamimigay ng regalo sa mga chiketing pati mga Tatay at Nanay sobrang nag-eenjoy dahil libre sa rides at pagkain, kaya't mapapa Sana all ka nalang sa kanilang bayan. 

Via: Lynn Domingo 

Post a Comment

Previous Post Next Post