PADRE GARCIA, BATANGAS —Sa kabila ng malakas na ulan ay hindi napigilan ang pagdiriwang ng ika- 75 Founding Anniversary ng Kabakahan Festival ng bayan ng
Padre Garcia ,ginanap noong ika 1 ng Disyembre 2024
Inumpisahan sa parada ng ibat- ibang barangay di alintana ang ulan napuno ang kalye hindi natinag sa kanilang pwesto makita lang ang pagparada ,kasama ang Ina ng kanilang bayan mayor Celsa Rivera at ang magiging governor ng lalawigan na si Mike Rivera at mga bisita tulad ni Senator Laila Delima at Governor Dodo Mandanas, at Senator Bato Dela Rosa.
Buong sigla at kulay pa ring nagtanghal ang mga grupo ng mananayaw mula sa iba’t ibang barangay sa ginanap na Cultural Dance Contest o street Dancing Competition. Ang kanilang mga sayaw ay nagbigay-buhay sa mayamang kultura at tradisyon ng Padre Garcia, na kilala bilang kabisera ng kalakalan ng baka sa bansa.
Binigyang-diin ng mga kalahok ang kanilang determinasyon at dedikasyon sa kabila ng masungit na panahon. Nagningning ang mga makukulay na kasuotan at masiglang galaw ng mga mananayaw na tinangkilik ng masigasig na mga manonood
Bukod sa dance contest, marami pang aktibidad ang isinagawa bilang bahagi ng selebrasyon, tulad ng parada ng mga baka, agri-trade fair, at gabi ng parangal. 
Sa Piging ng Bayan na dinaluhan ng mga garciano ay nasa mahigit na pitompo letson baka ang inihain at pinag salo- salohan simbolo ng nagkakaisa ng madisiplinang mga taga Padre Garcia. 
Sa kabila ng ulan, nananatiling matagumpay at puno ng kasiyahan ang pagdiriwang ng Kabakahan Festival ngayong taon.
Ayon sa mga residente , "Ang ulan ay simbolo ng biyaya, at nagpatunay na ang pagkakaisa at pagmamahal sa kultura ay hindi matitinag ng anumang pagsubok."
Naging mapayapa at may kaayusan ang apart na Araw na pagdiriwang ng KABAKAHAN Festival sa tulong na din ng mga kapulisan Ng Padre Garcia Station , force Company at SWAT TEAM, katuwang ang mga traffic Enforcer
Post a Comment