San Pablo City – Ang San Pablo City Lady Eagles Club ay nagpulong noong ika-28 ng Diyembre sa Precious Place upang ilunsad ang isang bagong programa na nakatutok sa pagtulong sa mga mag-aaral, lalo na ang mga malapit nang grumadweyt na nahaharap sa hamon sa pananalapi at logistika.
Sa pulong, tinukoy ng grupo na ibibigay ang tulong sa pamamagitan ng mga praktikal na pangangailangan tulad ng transportasyon, kagamitan sa paaralan, at allowance ,kasama na dito ang planong direkang ipapaalam sa mga magulang ng mapipilinG estudyante.
Bukod pa rito, ibibigay din ang suporta sa mga student athlete tulad ng kagamitan sa palakasan, sapatos, at allowance, lalo na para sa mga nagte-training sa BLS. Nakakuha na rin ang grupo ng mga donasyon at pangako mula sa mga miyembro ng lady Eagles at komunidad – kabilang si Ate Cherry Zuasola na nagpledge ng tulong para sa allowance limang mag-aaral.
Para sa transparency at accountability, tiyak na magkakaroon ng wastong dokumentasyon para sa lahat ng aktibidad. Ilalagay din ang mga regular na pulong para sa koordinasyon at ulat, kabilang ang pagpupulong sa mga mag-aaral at magulang sa Enero 31, 2:00 PM sa tahanan ni Ate Eleth Gano, at pagpaplano para sa Pebrero (Araw ng Mga Puso) na may suporta para sa ibat ibang indibiwal na makikita sa Sampaloc lake tulad ng pagbibigay ng rosas at pagkatapos ay ideya ng dinner ng buong grupo
Ang programa ay naglalayong palakasin ang sistema ng suporta sa mga mag-aaral, hikayatin ang paglahok ng komunidad, at tiyakin na ang mga mag-aaral lalo na ang malapit nang grumadweyt ay makatanggap ng kailangang tulong para magtagumpay at ipagdiwang ang mga mahahalagang okasyon.
Ang mga planong ito at naglalayon na mapalawig pa at magpatuloy ang pagtulong ng grupo sa ibat- ibang kaparaanan at maging bahagi ng pamayanan sa pagpapagaan sa mga nararanasang hamon ng buhay.
Via: Lynn Domingo
Post a Comment